top of page

Paano ba ako nagsimula ng Online Business? Ito ang Istorya ko.


Hi! Ako si Keycelyn Abag, 22 years old sa kasalukuyan at naninirihan sa Camarines Sur sa Bicol. Hindi pa po ako graduate sa kolehiyo sa kasalukuyan ngunit kumuha ako ng Bachelor of Science in Accountancy at ako ay nasa 3rd year na. Bago pa man ako mag 3rd year college ay natigil ako sa pag-aaral dahil na rin sa kakapusan. Tanda ko pa noon na sobrang stress ako dahil wala akong mahanap na trabaho dahil hindi pa naman ako nakapagtapos ng pag aaral lagi akong nammroblema noon dahil baon kami sa utang. Naisipan kong mag apply sa Call center malapit dito saamin at natanggap naman agad ako ngunit hindi naging madali ang buhay ko bilang isang call center agent stress at puyat din ang kalaban ko noon pero pagkatapos ng isa't kalahating taon tumigil ako sa pagtatrabaho at nag aral ulit. Akala ko noon ay magiging maayos rin ang pag aaral ko pero may problema nanamang dumating,dahil nagkasakit ako.Hindi sakit na lagnat lang kundi permanenteng sakit at mahirap gamutin hindi rin ako nakakapag concentrate sa pag aaral ko kaya pagkalipas ng isang taon nagdesisyon akong tumigil ulit sa pag aaral.

Nag desisyon naman akong mag apply bilang virtual Assistant ito ay isang Homebased na trabaho para atleast makatulong sa gastusin dito sa bahay natanggap din agad ako pero hindi rin iyon naging madali dahil nga sa may sakit na ko, pang gabi din kasi ang trabaho ko noon.After isang buwan nag resign din ako, nang mga panahong iyon stress nanaman ako dahil nabaon ulit kami sa utang, at ako yung tipo ng tao na di mapapakali na walang naitutulong kaya naman naghanap ako ng pagkakakitaan online at madami naman akong nakita lahat magaganda kung titingnan mo halos lahat ng yun gusto kong subukan pero hindi ganun kadali dahil lahat ng magagandang opportunity online ay kailangan ng investment at yung magagandang business online sila rin yung may malalaking investment.

At dahil wala naman akong ginagawa nung mga panahong yun sa bahay lang ako lagi dahil hindi ngna ako pwedeng mapagod maghapon lang akong nakakulong sa kwarto at nakaupo sa harap ng laptop minsan nga buong magdamag pa halos hindi na ko natutulog nun nanunuod ako ng mga video sa youtube at mga article tungkol sa Internet marketing.

Actually pag nakita mo sila maeengganyo ka talaga may isa nga akong nakita at mukha namang maganda sya pero malaki yung investment nun, pero dahil utak entrepreneur nga tayo gumawa ako ng paraan kung panu makakuha nung pera na iinvest doon at nakakuha naman ako at nag invest ako sobrang excited ko pa noon dahil napaka promising nung business pero medyo nadisappoint lang ako dahil yung binayad ko para sa training lang pala na stress nanaman ako at nagbabad ulit sa internet may isa nanaman akong nakitang offer maganda ring business take note lahat ng mga yan internet marketing ang ginagawa at dahil nga baguhan ako hindi ko alam ang ginagawa ko kumbaga go lang ng go pero hindi na rin masama dahil madami akong natutunan, so ito ngang isang nanamang opportunity nag invest nanaman ako at tulad ng dti puro training nanaman nakuha ko malamang nagtataka kayo kung bakit ako disappointed, well yun ay dahil akala ko may tools na kasama yun ang internet marketing kasi ngayon ay mas maganda kung automated nag wwork talaga yun pero kailangan mo ngang mag invest eh that time wala naman akong pera dahil wala nga akong trabaho,

Pero ang ginawa ko nag focus ako pinanuod ko lahat ng mga video training na nabili ko at maganda naman dahil madami akong natutunan, mas naintindihan ko ang internet marketing at sabi ko sa sarili ko ituturo ko din to sa mga baguhan para alam din nila ang dapat nilang iexpect pag nagsisimula pa lang sila.

Kaya ko ginawa ang blog website na ito para matulungan ang mga nagnanais magsimula ng online business pero hindi alam kung paano. Kaya kung interesado ka pero natatakot ka ito lang ang sasabihin ko sayo, dont be afraid to do it, its now or never.

Salamat sa oras mo na basahin ito sana ay nainspire kita para mag pursue ng online business. marami pa akong ishishare dito sana ay makatulong sa ating lahat.

Cheers,

Keycelyn


bottom of page