top of page

5 bagay para malaman kung para sayo ang Online Business?


May kasabihan nga tayo "What's meant to be,will be" at naniniwala ako sa kasabihang ito. Marahil ay gusto mong magsimula ng Online Business pero napapaisip ka kung kaya mo ba ito o para sayo ba ito, well kung nag iisip ka ng ganyan malamang sa malamang ay hindi ito para sayo dahil kung gusto mo talaga ay hindi ka na mag iisip kung para sayo ba ito, o sabihin na nating natatakot ka lang sa mga posibilidad dahil first time mong gawin ito,pwedeng ganun pero ito ang kasagutan sa tanong natin.

Malalaman mo kung para sayo ba talaga ang Online Business kung:

1. Sa una pa lang na nakita mo ang Online Business kahit anung klase pa yan ay naging "INTERESADO" ka na.

Kahit anung klaseng Online Business na makita mo ay nakukuha nito ang atensyon mo.

2. Naging "CURIOUS" ka dito at gusto mo itong matutunan.

Syempre kung interesado ka ay magiging curios ka pero may iba na interesado lang dahil "pera" ang nakita nila, Hindi lang pera ang pinag uusapan natin dito kailangang curios ka kung panu nagagawa ito hdahil hindi ito agad agaran kailangan mo pa rin ng kaalaman at diskarte.

3. Handa kang maglaan ng "ORAS at EFFORT" para matutunan ito.

Madaling sabihin na gusto mo mag business online pero hindi ganun kadali ang mag commit sa isang bagay lalo na kung negosyo ang pinag uusapan kailangang may ilalaan kang oras at effort para dito kasi kahit madami ka pang pera para iinvest ngunit hindi mo naman kayang magbigay ng oras at effort mo hindi ka rin magiging successful.

4. Handa ka rin mag "INVEST" kahit pakonti-konti

Sa business syempre hindi mawawala ang investment o capital. Dapat handa ka din gumastos para sa business mo pero dahil online business ito kahit pakonti-konting investment ay magagawa mong mag negosyo.

5. Dapat "OPEN-MINDED" ka

Napaka halaga ng pagiging Open Minded sa pagtatayo ng business, kelangan bukas ka lagi sa mga bagong bagay na matutunan mo sa pag nenegosyo, wag mong sabihinh ALAM mo na kung nakita mo lang ng isang beses, madaming bagay ang matutunan at malalaman mo sa pagiging internet entrepreneur kung bukas ang isipan mo. Pero kung ikaw yung tipo ng tao na "alam mo na lahat" hindi ito para sayo.


bottom of page